Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga residente ng ilang mga barangay sa Kidapawan City at Magpet, North Cotabato naalarma sa presensiya ng mga naka-bonnet at armadong kalalakihan


(North Cotabato/ April 3, 2013) ---Ilang beses na raw namataan ng mga residente ng mga barangay ng Bongolanon at Magcaalam sa Magpet at sa mga barangay ng Balabag at Perez sa Kidapawan City ang mga armadong grupo na umiikot sa kanilang lugar.

Bitbit daw ng mga ito ang iba’t-ibang uri ng armas at tila nag-momonitor sa mga barangay na pinapasok nila.


Naka-suot pa raw ng bonnet ang mga ito, ayon sa report.

Ayon naman kay Barangay Kagawad Allan Baluardo ng Brgy. Perez, tatlong beses ng nakita sa kanilang barangay ang mga armadong kalalakihan.

Tinangka pa raw ng mga ito na pasukin ang bahay ng isa sa mga residente pero nabigo.

Ikinaalarma tuloy ito ng maraming mga residente ng nabanggit na mga barangay.

Una nang nahintakutan ang ilang mga residente sa Magpet matapos kumalat ang balitang kumakatok umano ang naturang mga kalalakihan sa mga bahay-bahay at saka pinagnanakawan ang mga may-ari. (Jimmy Santacruz)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento