Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

NPA at militar nagkasagupa sa Makilala, North Cotabato


(Makilala, North Cotabato/ April 3, 2013) ---Nagkasagupa ang tropa ng 57th IB ng Philippine Army at New People’s Army sa Barangay Bulatukan, Makilala, North Cotabato noong Huwebes, isang araw bago ang anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA.
Ayon kay Lt, Nasrullah Sema, Civil Military Operations Officer ng 57th IB, namataan ng army ang isang grupo ng armadong kalalakihan sa isang liblib na lugar ng barangay Bulatukan, alas dose ng tanghali noong Huwebes Santo.

Nagpalitan ng putok ang magkabilang panig na nagtagal ng halos sampung minuto, ayon pa kay Sema.
Sinabi ni Sema na sakop ng combat clearing operation ng army ang Barangay Bulatukan kaya’t madaling nilang narespundihan ang insidente.
Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa naturang engkuwentro. (Jimmy Santa Cruz)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento