Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 mag-tutuba sa Kabacan, patay sa mga carnapper


(Kabacan, North Cotabato/ April 2, 2013) ---Carnapping o agaw motorsiklo ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa pamamaslang sa dalawang magtutuba na natagpuang patay sa Presto Sugarcane, Brgy. Sanggadong, Kabacan, Cotabato alas 12 ng tanghali kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Michael Kagot at Tom Gabuyog nasa tamang edad at tuba vendor kapwa mga residente ng Sitio Liton, brgy. Kayaga ng bayang ito.

Batay sa report, tadtad ng saksak ang mga biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ng matagpuan sa nasabing lugar.

Ilang araw na rin umanong missing ang mga biktima makaraang matagpuan sa nasabing lugar.

Posible din umanong tinangay ng mga suspek ang kanilang kulay itim na XRM 110 na walang plate number dahil wala na ito sa erya ng marekober ang bangkay ng mga biktima.

Kasama sa mga grupong nagrekober sa dalawang magtutuba sina local monitoring team Jabib Guiabar at Kapitan Ernesto bigsang.

Sa ngayon, nasa disposasyon na ng Kabacan PNP ang nasabing kaso habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento