Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Katawan ng lalaki na biktima ng salvaging natagpuan sa highway sa Makilala, N Cotabato



(Makilala, North Cotabato/April 3, 2013) ---Natagpuan duguan pero wala nang buhay ang katawan ng isang ‘di pa kilalang lalaki sa may Cotabato-Davao national highway, particular sa Makilala, North Cotabato, alas-6 ng umaga kahapon.
      
Ayon kay Inspector Rizal Alolod, hepe ng Makilala PNP, may tatlong tama sa ulo at tiyan ang lalaki.
      
Nang makita raw nila ang bangkay, balot pa ng masking tape ang mukha at nakatali ang mga kamay.
      

Duda ni Alolod na biktima ng salvaging ang lalaki at galing pa ito sa ibang lugar pero sa bayan lang ng Makilala ibinaba at binaril nang maraming beses hanggang sa mamatay.
      
Tingin ng mga pulis mga bandang alas-dos ng madaling araw naganap ang pamamaril.
      
Ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay ay walang katau-tao at tatlo hanggang limang metro lang ang layo mula sa national highway. (Malu Manar)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento