Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

36-anyos na lalaki, patay sa pamamaril sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ April 2, 2013) ---Patay ang isang 36-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng tatlong mga di pa nakilalang mga salarin sa Purok 2, Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 10:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Jerry Palen residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ni P/Inps. Tirso Pascual ng Kabacan PNP kalibre .45 na pistola ang ginamit umano ng mga suspek sa nasabing pamamaril.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Matapos maisatuparan ang masamang balakin at mapasegurong tumba ang target agad namang tumakas ang mga suspek sakay sa kulay pulang Baja single motorcycle.

Inaalam na ngayon ng Kabacan PNP kung ano ang motibo ng nasabing pamamaril. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento