Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dalawang rape suspect arestado ng CIDG-North Cotabato

(Pigcawayan, North Cotabato/May 10, 2012) ---Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato ang dalawang lalaki na akusado sa kasong rape.

         
Kinilala ni CIDG-Cotabato provincial director, Chief Inspector Elmer Guevarra, ang kanilang mga inaresto na sina Rosalino Espadilla, 23, at Ramon Setera, 37, pawang mga residente ng Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay Guevarra, ang dalawa ay nahaharap sa apat na kaso ng rape na naganap, tatlong taon na ang nakalilipas.
         
Ang mga warrant of arrest nila inisyu noon pang 2009 ni Judge Jorge Jabido ng Regional Trial Court branch 18 sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
         
Nahuli ang dalawa sa isang operasyon na isinagawa ng CIDG-North Cotabato sa isang barangay sa Pigcawayan, alas-1230 ng tanghali, kahapon.
         
Nakakulong ang dalawa sa selda ng CIDG-Cotabato sa Kidapawan City

0 comments:

Mag-post ng isang Komento