Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao; arestado sa Kabacan, Cotabato dahil sa pagdadala ng baril

(Kabacan, North Cotabato/May 9, 2012) ---Sa kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang maaresto ng Kabacan PNP dahil sa pag-dadala ng baril alas 9:45 ng gabi nitong Lunes.


Nanguna sa pag-aresto si Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP sa dalawang mga suspetsado na sina Dino Dacara Pagatpatan, 33, residente ng brgy. Manongol, Kidapawan City kasama ang driver nito na nakilalang si John Miclat Hamdan, 32, residente ng brgy. Sudapin ng nabanggit na lungsod.

Batay sa report, naispatan umano ang dalawa sa Purok Chrislam, tinaguriang “drug den” sa Kabacan na may salukbit na baril.

Mabilis namang rumisponde ang mga pulisya at hinabol ang dalawa papunta ng Zamora St., pero sa National Highway na sila nahuli.

Kapwa inilagay sa kustodiya ng Kabacan PNP ang dalawa dahil sa paglabag sa P.D. 1866 o illegal possession of firearms.

Bigo rin umanong makapag-presinta ng kaukulang dokumento ang mga ito.

Narekober mula sa posisyon at kustodiya ni Pagatpatan ang .45 na caliber pistol at mga walong bala sa magazine ng nasabing armas.

Bukod sa nabanggit, narekober din sa mga ito ang gamit nilang motorsiklo na may plate # 6007 na agad namang dinala sa himpalan ng pulisya para sa tamang disposasyon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento