Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tubong Kabacan nag-iisang researcher ng Atomic Energy Commission sa bansang France

(Kabacan, North Cotabato/May 9, 2012) ---Isang 26-anyos na tubong Kabacan, North Cotabato ang ngayon ay mahahanay sa mga magagaling na mananaliksik sa larangan ng Physics partikular sa Atomic Energy Commission ng kompanyang DITANET, isang malaking research center sa bansang France.


Siya si Cherry May Mateo, residente ng brgy. Katidtuan ng bayang ito.

Si Mateo ay nagtapos ng kanyang high school sa University Laboratory School dito sa USM at kumuha siya ng kanyang Bachelor of Science in Physics sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Ang kanyang undergraduate thesis na optical characterization of strained GaAs heterostructures ang naging mitsa ng kauna-unahang international publication in a peer reviewed journal.

Sa ngayon, kasalukuyang nagtatrabaho ang dalaga bilang isang research scientist sa nabanggit na kompanya.

Ang naturang kompanya ay nagsasaliksisk ng mga may kinalaman sa nuclear energy, biology, technology, climatology at iba pa.

Isa na rin dito ang pagtutok nila sa nuclear energy bilang sulosyon sa lumalalang krisis sa enerhiya sa bahaging ito ng Mindanao at ang problema sa mataas na bayarin sa singil ng kuryente. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento