Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, patay sa saksak

(Magpet, North Cotabato/ June 3, 2015) ---Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng mismong kainuman nito sa Barangay Balite, Magpet, North Cotabato alas 9:00 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ni Senior Insp. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang biktima na si Henry Echavez habang ang suspek ay kinilala namang si James Serano Pactao na residente ng Balite, Magpet.


Batay sa imbestigasyon, magkasamang nag inuman ang biktima at suspek nang magkaalitan sila na nauwi sa pagsaksak ni Pactao kay Echavez.

Isinugod pa sa bahay pagamutan ang biktima pero di na ito umabot ng buhay sa Antipas District Hospital.

Sa ngayon, bagsak sa kulungan ang suspek matapos na masakote ng mga sa Barangay Amabel, Magpet, North Cotabato. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento