Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ex-DPWH staff at mister nito, patay sa pananambang

(South Cotabato/ June 2, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa dating kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang binawian na rin ng buhay ang mister nito makaraang tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa Sitio Bayabas, Barangay Tasiman sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato, kahapon ng umaga. 

Kinilala ang napatay na si Jackie Siera habang sugatan naman ang mister nito na si Ronald Siera, kawani ng Philhealth. 


Ayon kay P/Inspector Joven Bagaygay, hepe ng Lake Sebu PNP, magkasamang umakyat sa kanilang sakahan ang mag-asawa para nagpahinga nang harangin at pagbabarilin. 

Agad na isinugod sa ospital ang mag-asawa ngunit idineklarang patay ang babae habang patuloy na ginagamot ang mister nito. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento