Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP naglatag ng seguridad para sa pagbabalik pasukan katulong ang TMU

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Naglatag ng seguridad ang Kabacan PNP katulong ang Traffic Management Unit sa pagsasa ayos ng trapiko sa pagbabalik pasukan ngayong araw. 

Ito ang inihayag ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL news.

Aniya, naglagay umano sila ng police assistance center para maserbisyuhan ang mga nangangailangan sa pagbubukas ng klase.


Dagdag pa ng opisyal na nakapagtalaga na ng mga pulis sa iba’t ibang pangunahing paaralan lalo na sa University of Southern Mindanao sa bayan ng Kabacan upang magbantay sa seguridad ng mga estudyante.


Umaasa naman ang opisyal na magtutuloy-tuloy na ang peace and order sa bayan ng Kabacan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento