Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Personal Grudge, nakikitang dahilan sa pagpatay sa mag-ama sa Pisan, Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2014) ---Personal Grudge ang sinusundang anggulo ng Kabacan PNP sa nangyaring pagpatay sa mag-ama kasama na ang dalawang taong gulang na bata sa Sitio Cueva, Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato nitong nakaraang linggo.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP.

Aniya agad naman nilang nahuli ang dalawang suspek matapos na ituro ng misis ng biktima.


Kinilala ang mga biktima na sina Randy Tero, 27, magsasaka; at Jefrel Tero, 2, kapwa residente ng nasabing bayan.

Samantala, kinilala naman ang mga suspek na naaresto na sina Tony Etom at Julito Lugisan na kapwa­ nakatira rin sa nabanggit na barangay.


Sa ngayon ang dalawang mga suspek ay nasa Kabacan lock up cell at naisampa na ang kaso labans a kanila. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento