Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Banana Plantation worker at 19-anyos, utas sa magkahiwalay na pananaksak sa North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang Banana Plantation worker ng kainuman nito sa nangyaring krimen sa Bagontapay bayan ng Mlang, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Loven Jay Seduco at residente ng nasabing lugar.


Batay sa ulat, masayang nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan at kalaunan ay nagkaroon ng di pagka-intindihan hanggang sa humantong sa pananaksak kungsaan napuruhan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Bulagta at naliligo sa sariling dugo si Seduco matapos ang insedente kaya mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng Mlang PNP ay nahuli ang mga suspek na kinilalang sina Mark John Ceteno, Diosdado Centeno at isang Alias Mark.

Sa ngayon ang tatlo ay naghihimas ng malamig na rehas bakal sa Malang lock up cell habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.

Samantala, isa pang magkahiwalay na pananaksak naman ang naitala sa Kidapawan City.

Ang biktima kinilala kay Nineto Pascua, 19-anyos, residente ng Purok 6, Barangay Binoligan, Kidapawan City habang nakilala naman ang suspek na si Camilo Asube, kapitbahay ng biktima.

Nagkainitan umano sa kalagitnaan ng masayang pag-iinuman ng dalawa kungsaan inilabas ng suspek ang hunting knife nito at inundayan ng saksak ang biktima hanggang sa mapatay.

Mabilis na tumakas ang suspek makaraang makitang patay na ang biktima pero nasakote pa rin ito ng mga rumesponding mga tanod at Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT sa lugar. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento