Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

21-anyos na lalaki, panibagong biktima ng agaw motorsiklo sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2014) ---Hinigpitan na ang seguridad ngayon sa paligid ng USM Housing matapos na mabiktima ang isang 21-anyos na binata ng agaw motorsiklo kamakalawa ng gabi.

Sa report, kinilala ang biktima na si Jaymbo Mangansakan, 21, residente ng nasabing lugar.


Ayon sa ulat ng mga impormante, tinambangan umano ang biktima sa 2nd Block ng housing ng di pa nakilalang suspek at agad na tinutukan ito ng baril.

Pagdating sa panulukan ng Aringay provincial road, isa pang suspek ang nag-aabang.

Walang nagawa ang biktima kundi ibigay na lamang ang kanyang motorsiklo.

Agad namang tinangay ng mga suspek ang kulay itim na XRM 110 ng biktima.

Bago tumalilis ang mga suspek papalayo binaril pa nila ang biktima pero maswerteng di ito tinamaan.  Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento