Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 Tulak droga, tiklo sa magkahiwalay na operasyon sa NCot!

(Carmen, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 27-anyos na Ginang makaraang maaresto sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa Purok 1, Poblacion, Carmen, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Carmen PNP ang suspek na si Zuraida Zamora Kamanto residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula sa kanya ang apat na plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu, apat na piraso ng 100 piso bills.


Sa ngayon, inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Samantala, bumagsak din sa kamay ng mga otoridad ang dalawang drug courier makaraang mahuli sa isinagawang buybust operation sa Barangay Balindog, Kidapawan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Pigcaulan Rhosman Alias Wing, 29, Pikit, North Cotabato at Mapz Madandat, 45 residente ng bayan ng Kabacan.

Narekober mula sa dalawa ang ilang piraso ng plastic heat sealed sachet.

Sa ngayon kalaboso ang mga ito sa Kidapawan lock up cell habang inihahanda na ang kasong kakaharapin ng mga ito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento