Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay matapos tangayin ang motorsiklo sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Hindi na umabot ng mahal na araw ang isang 23-anyos na magsasaka makaraang barilin at agawan ng motorsiklo sa may National Highway, partikular sa harap ng Matalam Central Elementary School, Matalam, Cotabato alas 2:30 ng madaling araw nitong Huwebes Santo.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang napaslang na si Jayson Pascua, 23 at residente ng barangay Osias, Kabacan, Cotabato.

Batay sa report, ipinarada nina Pascua at Ermelyn Pretty Joy Rivera De Vera, 20, College Student at residente ng Katidtuan, Kabacan ang kanilang motorsiklo ng biglang nilapitan ito ng dalawang di pa nakilalang mga salarin.


Nagtanong pa ang dalawang mga suspek sa mga biktima kung sila ay mga Kristiyano o Muslim.

Nang sumagot si Pascua na sila ay Kristiyano, agad itong binaril ng isa sa mga suspek kungsaan tinamaan si Pascua sa kanang dibdib nito.

Ayon kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP agad namang tinangay ng suspek ang motorsiklo nitong kulay itim at puting XRM 125 habang ang isa pang salarin ay tinangay din ang XRM 125 na may license plate 8355LH ni De Vera.

Bukod dito, kinulimbat din ng mga suspek ang Cherry Mobile na Cellphone ng biktima.

Matapos maisakatuparan ang masamang balakin, agad namang tumakas ang mga suspek papunta sa dito sa bahagi ng Kabacana.

Mabilis namang isinugod si Jayson Pascua sa Babol General Hospital pero di na ito umabot pa ng buhay.


Sa ngayon, patuloy ang pagtugis ng mga pulisya sa nasabing mga suspek upang mapanagot sa batas. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento