Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki sugatan sa isang vehicular accident sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/May 2, 2012) ---Sugatan ang isang Ricardo Gajo, driver ng Honda Wave makaraang masangkot sa isang vehicular accident sa National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato partikular sa harap ng Kusina Kabacan alas 5:00 kahapon ng hapon.

Sa report ni PO1 Amor Guillermo, traffic officer ng Kabacan PNP nabatid na isang Kawasaki Tricycle na ang bumabaybay sa nasabing kalsada mula sa Davao-Cotabato na direksyon ng bigla lamang nag-U-turn dahilan kung bakit ito na banggaan ng Honda Wave 125.

Dahil sa lakas ng impact, kapwa nag tamo ng di matukoy na kasiraan ang dalawang motorsiklo habang dinala naman sa Kabacan Medical Specialist ang driver ng Honda Wave na nagtamo ng sugat. (Rhoderick Beñez)










0 comments:

Mag-post ng isang Komento