Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Notorious na magnanakaw sa Kidapawan city; patay sa pamamaril

(Kidapawan City/May 1, 2012) ---Patay on the spot ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng dalawang mga di pa nakilalang salarin sa Sinsuat Extension, Pobalcion, Kidaapwan city dakong alas 4:30 ng hapon nitong linggo.


Kinilala ni Supt. Renante Cabico, city police director,  ang biktima na si Danilo Saban, 48, tricycle driver at residente ng Magsaysay, Davao del Sur.

Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala sa ulo nito na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.


Narekober ng mga otoridad mula sa pinangyarihan ng insedente ang mga slugs ng kalibre .45 na pistol.

Ayon sa mga nakasaksi, sakay umano ang biktima sa motorbike, angkas ang dalawa pa nitong mga nak ng pagbabarilin ito ng mga salarin na nakasunod rin sa kanya.

Di naman nasaktan ang mga bata nitong kasama sa nasabing insedente. Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na ang biktima ay nasasangkot sa mga serye ng nakawan at robbery cases sa lungsod ng Kidapawan at mga kalapit na lugar kagaya ng Makilala.

Batay sa record ng Kidapawan City PNP nabatid na ang anak ng biktima ay arestado rin noong nakaraang taon matapos masangkot sa dalawang robbery cases sa Kidaapwan City.

Subalit ang suspek ay nakatakas sa kulungan matapos tinulungan ng ama nito.

Sa ngayon inaalam na ng mga otoridad kung ang pagpatay sa biktima ay may kinalaman sa mga illegal na aktibidad nito. (Rhodz Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento