Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

24-anyos na lalaki; huling nagnanakaw, illegal na droga narekober pa mula sa kanya

(Kabacan, North Cotbato/April 30, 2012) ---Narekober mula sa isang 24-anyos na suspek ang isang heat sealed plastic sachet na pinaniniwalaang shabu makaraang mahuling aktong nagnanakaw ng isang pampasabong na manok ala 1:25 kahapon ng hapon sa Sunset St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.
 
Mismong si councilor Reyman Saldivar kasama si Jover Sumatra ang nakahuli sa suspek na nakilalang si Charnel Salinas, 24 na taong gulang na residente ng Purok Miracle ng bayang ito.

Sa ngayon, nasa Kabacan lock-up cell ang suspetsado habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Samantala, pwersahang sinira naman ng magnanakaw ang likurang bahagi ng bahay ng Ulangkaya residence makaraang pinasok ito ng di pa nakilalang salarin nitong hapon ng Sabado.


Natangay ng suspek ang isang unit ng RIM ng XRM motorcycle at isang brand new tire ng nasabing sasakyan.

Maswerte namang di nito natangay ang nasabing motorsiklo, pero narekober naman ang isang sako na naglalaman ng cut iron, rubber roll na pinaniniwalaang iniwan ng suspetsado di kalayuan sa lugar ng pinagyarihan ng insedente.

Naganap ang nakawan sa likurang bahagi ng Wish bone café na nasa bahay ni Antonio Ulangkaya compound, Poblacion, Kabacan, Cotabato. (RB ng Bayan)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento