Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 years old na bata na mag-bibirthday sana bukas; patay matapos malunod sa Fishbond sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/April 30, 2012) ---Hindi na umabot ng kanyang kaarawan bukas ang magta-tatlong taong gulang na bata, makaraang malunod sa fishpond dakong alas 3:30 ng hapon nitong Biyernes sa isang bulubunduking lugar sa brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa report ng pinagkakatiwalaang source, kinilala ang bata sa pangalang Lovely Joy Mibalo, residente ng nabanggit na lugar.


Isinama umano ng ina nito ang bata papunta sa kanilang kubo malapit sa fishpond upang manghuli ng isdang paninda.

Pero, bigla nitong iniwan sa Lovely Joy na nag-iisa sa kubo upang mag-CR.

Matapos mag-CR na kita nito ang isang kambing na di makaalis matapos matali ng mahigpit sa halamanan.

Dahilan kung bakit nito kinalagan ang nasabing hayop at naging rason kung bakit natagalan itong bumalik sa nasabing kubo.

Pagbalik ng ina, gumulantang sa kanya ang lumulutang na katawan ni Lovely sa fishpond.

Mabilis namang isinugod ang bata sa USM Hospital subalit, ideneklara na itong dead on arrival ng mga attending physician. (RB ng Bayan)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento