Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Binata kritikal matapos pagsasaksakin sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 4, 2012) ---Naging malubha ang kalagayan ng isang binatilyo makaraang pagsasaksakin ng isang 30-anyos na lalaki sa brgy. Bannawag, Kabacan, Cotabato alas 11:45 kagabi.


Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Geriaco Balanag Y Ano nasa tamang edad, walang asawa at residente ng Brgy. Pisan ng bayang ito, habang kinilala naman ang suspek na si Janito Orbanoso, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.


Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, lumalabas na habang sakay sa isang single motorcycle ang biktima kasama ang sakay na sina Aki Peralta at April Oton Gonzales galing sa isang video K Huz sa brgy. Bannawag papauwi sa brgy. Pisan ng hinarang ng suspek sa bahagi ng tulay malapit sa Rubber plantation at walang pasabi at pinag-sasaksak ang biktima.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa dibdib.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang nasabing insedente habang isinugod naman sa Amas Provincial Hospital ang biktima.

Subject for manhunt na ngayon ng mga pulisya ang suspetsado. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento