Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mekaniko, utas ng mabangga sa roundball

(Kidapawan city/ June 25, 2015) ---Patay ang isang mekaniko matapos na aksidenteng mabangga sa roundball sa crossing Sudapin, Kidapawan City ala 1:00 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni PInsp. Samuel Bascon ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Jonathan Padro, 30- anyos, na taga Brgy. Lanao, Kidapawan.

Lumalabas sa inisyal na pagsisisyasat na minamaneho ng biktima ang kanyang kulay pula na XRM Motorcycle nang mawalan ng kontrol ang kanyang minamanehong motorsiklo dahilan para bumangga ito sa roundball sa nabanggit na lugar.

Mabilis pang naisugod  ng mga otoridad sa pagamutan ang biktima subalit ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Dahil dito, nagpaalala ngayon ang mga otoridad sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho ng kanilang mga sasakyan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento