Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, itinumba!

(North Cotabato/ June 24, 2015) ---Binawian na ng buhay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa purok 3, Sito 51 brgy. Nuangan, Kidapawan City pasado alas 7:00 kagabi.

Kinilala ang  biktima na si Rudi Diansig, may asawa, 34 anyos at residente rin ng nabanggit na lugar.

Nag-iinuman ang biktima sa loob ng bahay ng kanyang bayaw ng pumunta ito ng kusina at pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang likod at ulo mula sa di pa matukoy na uri ng baril.

Nadala pa sa pagamutan sa Amas Provincial Hospital sa Kidapawan kagabi ang biktima pero binawian din ng buhay alas 4:00 ng madaling araw kanina.


Sa ngayon blanko pa ang Kidapawan City PNP sa pamumuno ni Supt. Franklin Anito kung anu ang motibo sa nasabing insidente. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento