Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Laborer patay sa senglot

(Kidapawan City/ June 25, 2015) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang laborer sa kamay ng lasing na suspek makaraang hambalusin nito ng kahoy ang biktima hanggang sa mapatay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Sitio Maangi, Brgy. Birada Kidapawan City pasado alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, city PNP Director ang biktima na si Noli Sapiano Bitoon, 40 anyos  na residente  rin ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Carmen Bitoon, asawa ng biktima, pinasok ng isang Danny Pinantao ang bahay nila bitbit na 2x3 na kahoy na may pako at pinaghahampas si Noli sa ulo.

Nabatid na nasa impluwensya ng alak ang suspek ng mangyari ang insidente.

Hindi pa ngayon lubos maunawaan ni Carmen kung ano ang motibo ng suspek sa pagpaslang sa kanyang asawa dahil wala naman itong matandaang naging awayan at hindi pagkakaunawaan ng dalawa at magkaibigan pa umano ang mga ito.

Sa ngayon tinutugis na ng mga otoridad si Pinantao na tinuturong suspek sa pagpaslang kay Bitoon. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento