Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Diocese of Kidapawan, nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ng isang pari

(North Cotabato/ June 24, 2015) ---Nakatakda ng ihahatid sa kanyang huling hantungan si Father Rogelio ‘Jake’ Nim sa Hunyo a-29, 2015 araw ng Lunes makaraang pumananaw sa edad na 53-anyos kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Diocesan Administrator Msgr. Carlito Garcia naisugod pa sa pagamutan si Father Jake matapos sumikip ang kanyand dibdib pero ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.


Si Father Jake ay 34  taon na bilang pari, at tubong Tulunan, North Cotabato.

Matagal ding naging in-charge si Father Jake ng mga diocesan schools tulad ng Notre Dame Of Matalam sa Matalam at Notre Dame of Magpet sa Magpet, North Cotabato na umabot ng 12 taon.

Siya rin ay naglingkod ng ilang taon sa Notre Dame ArchDiocese and Seminary sa Nuling, Sultan Kudarat, Maguindanao.
   
Dahil ditto, nakikidalamhati ngayon ang buong Diocesan Clergy of Kidapawan, mga layko, at mga mananampalatayang katoliko sa buong North Cotabato sa maagang pagkamatay ng pari.

Ililibing si Father Jake sementeryo ng mga pari na nasa harap ng Bishop Residence sa Kidapawan City alas 9:00 ng umaga. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento