Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagsisimula ng konstruksyon ng Poblacion 1- Sadaan Road pinasalamatan ng konseho ng barangay

By Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ August 20, 2014) ---Nagagalak ang konseho ng Barangay Poblacion 1 sa Midsayap, North Cotabato dahil sa nasimulan na ang concreting ng kalsadang nagdurugtong sa kanilang barangay at Barangay Sadaan patungo sa national highway.

Sa kanyang sulat ay sinabi ni Poblacion 1 Barangay Chairperson Grace Dearos- Singco
na lubos ang kanilang pasasalamat sa inisyatibo ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan upang maisakatuparan ang proyekto.


Malaking tulong umano ang sementadong kalsada hindi lamang sa kanilang mga mamamayan ngunit sa mga motoristang dumadaan dito araw- araw. Hindi na umano magtitiis sa baku- baku at maalikabok na daan ang mga motoristang gumagamit ng daang ito bilang alternate road.

Umaasa naman si Singco na marami pang mga proyekto ang maipatutupad kabilang na dito ang pagsasaayos ng drainage canal sa kanilang lugar.


Ang implementasyon ng Poblacion 1- Sadaan Road ay ipinatutupad ng DPWH Cotabato 2nd Engineering District Office sa pamumuno ni District Engr. Doroteo Ines, Jr.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento