Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

25-anyos na lalaki, panibagong biktima ng hold-up sa Kidapawan City

(Kidapawan city/ August 20, 2014) ---Hinold-up ng dalawang di pa nakilalang mga suspek ang isang 25-anyos na lalaki sa bahagi ng Datu Piang St., Kidapawan City alas 3:40 kahapon ng hapon.

Sa ulat ni PSI Jojet Nicolas, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office kinilala ang biktima na si Elmundo Flores, 25-anyos, binata at residente ng Brgy. Takepan, Pikit, Cotabato.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, naglalakad umano ang biktima ng biglang nilapitan ito ng dalawang suspek na lulan ng itim na single motorcycle na walang plaka.

Agad na tinutukan ng baril si Flores ng isa sa mga sakay ng motorsiklo at tinutukan din ng ice pick ito ng isang drayber at nag-deklara ng hold-up at pwersahang tinangay ang Samsung S5 cell phone nito na nagkakahalaga ng humigit kumulang P8,500.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa bahagi ng Sinsuat St., ng nasabing lungsod.

Agad namang ikinasa ang hot pursuit operation laban sa mga suspek para mapanagot sa batas ang mga ito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento