Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

COA employee ng Region 12 , pinaslang

(Cotabato City/ August 18, 2014) ---Patay ang isang emple­yado ng Commission on Audit (COA) Region 12 matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng Brgy. Rosary Heights sa lungsod ng Cotabato nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng Cotabato City Police, kinilala ang nasawing biktima na si Engineer Oliver Samonte, 54 anyos, naninirahan sa Kutawato Homes sa Brgy. Rosary Heights 10 ng nasabing siyudad.


Base sa imbestigasyon, bandang alas-7 ng gabi habang ang biktima ay lulan ng habal-habal na motorsiklo nang sundan ng mga armadong suspek na sakay rin ng motorsiklo at pagbabarilin.

Agad namang nagsitakas ang mga armadong suspek matapos na mapuruhan ng mga tama ng bala sa katawan ang kanilang target. Ang biktima ay idineklara ng dead on arrival sa pagamutan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kasong ito upang matukoy ang motibo ng krimen at masakote ang mga nagsitakas na salarin. DXVL News



0 comments:

Mag-post ng isang Komento