Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lola, natusta sa sunog!

(Banisilan, North Cotabato/ August 20, 2014) ---Natusta ang isang 84 na taong gulang na lola makaraang masunog sa loob mismo ng bahay nito sa nangyaring sunog sa Purok 4, Brgy. Pinamulaan, Banisilan, Cotabato.

Sa ulat ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas kinilala ang biktima na si Hermohena Sanikolas, balo at residente ng nasabing lugar.

Nadiskubre na lamang na sunog na ang lola ng makita ito ng mga residente na sunog na kahapon ng madaling araw.

Posible umano nasunog ang biktima nito pang Lunes ng gabi.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, mahimbing na natutulog umano ang biktima ng aksidente nitong masagi ang lampara na dahilan ng pagsiklab ng apoy.


Dahil sa gawa sa light materials ang bahay nito, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa nasunog ang biktima ng buhay sa loob ng bahay nito. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento