Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka , pinatay ang kasamang magsasaka dahil sa away sa baraha sa Mlang, Cotabato

(Mlang, Cotabato/ August 18, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng nakalaban nitong magsasaka dahil sa pinagtalunang away sa baraha  sa Purok Mabinuligan, Brgy. Bagontapay ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson Sr. Inspector Jojet Nicolas ang biktima na si Giovanni Gonzales,tinatayang nasa 20-25 anyos, binata at residente ng nasabing lugar.


Bandang alas-2:30 ng hapon, ayon sa pulisya ng maganap ang krimen.

Bago ito ay kasama pa ng biktima ang suspek na si Rodrigo Matining, 40-anyos na nagtungo sa lamay ng isa nilang namatay na kapitbahay.

Ayon sa mga testigo, nag­laro ang dalawa ng baraha hanggang sa nagtalo na humantong sa malagim na pamamaslang. Nang makitang bulagta na si Gonzales mabilis naman tumakas ang suspek. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento