Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay na natagpuang, palutang-lutang sa ilog ng Rio Grande de Mindanao sa bayan ng Pikit, North Cotabato; inilibing na!

(Pikit, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Inilibing na kahapon ng mga otoridad ang bangkay ng isang lalaki na nakitang palutang-lutang sa ilog ng Rio Grande de Mindanao partikular sa bisinidad ng Brgy. Rajamuda, Pikit, North Cotabato pasado alas 10:00 ng umaga nitong Sabado.

Sa report ng Pikit PNP ang nasabing bangkay ng lalaki ay nagtamo ng maraming taga at tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang nasabing biktima ay posibleng pinaslang sa ibang lugar at itinapon lamang ang bangkay nito sa nasabing ilog.

Tinatayang edad 30-35 anyos ang nasabing biktima kungsaan nakasuot ito ng kulay dilaw na short at kulay gray na damit pang-itaas.

Sa ngayon, patuloy pa ang panawagan ng Pikit PNP sa publiko hinggil sa pagkakakilanlan ng naturang suspek na puntahan lamang ang tanggapan ng PNP. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento