Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Wanted dahil sa kasong Frustrated Murder, tiklo ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/ July 23, 2014) ---Arestado ng pinagsanib ng pwersa ng Matalam PNP at ng Davao City Police Station 9 ang isang wanted sa kasong frustrated murder habang nagtatago ito sa Block 34, Lot 56, Phase 9B, Deca Homes Subd., Brgy. Tacunan, Tugbok District, Davao City kamakalawa.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang suspek na si Johill Hechanova, 38-anyos, may asawa at residente ng Purok Yellow Bell, Brgy. Poblacion, Matalam, Cotabato.

Ang suspek ay may warrant of arrest dahil sa kaso nitong frustrated murder na may criminal case number 14-77 na iginawad sa sala ni Judge Alandrex Betoya, Presiding Judge ng RTC Branch 16, Kabacan.

Napag-alaman na ang suspek ay matagal na umanong nagtatago sa bahay ng kanyang pinsan sa Davao City matapos ang naturang insidente.

Sa ngayon nasa kustodiya nang Matalam PNP ang suspek habang hinihintay na lamang ang commitment order para sa kanya. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento