Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nawawalang disbursing officer ng Kidapawan City LGU, pinasisibak na sa pwesto

(Kidapawan city/ April 28, 2014) ---Pinapatalsik na ngayon sa kanyang pwesto ang ‘missing’ na disbursing officer ng Kidapawan City Government matapos na maharap sa iba’t-ibang kasong administratibo na kinakaharap nito sa Ombudsman.

Ayon kay Human Resource Management Officer Magda Bernabe patuloy nilang pinaghahanap ang dating disbursing Officer na si Darwin Loyola na nagtago noon pang Hunyo 2012.


Sa ngayon blanko pa ang mga otoridad sa kinaroroonan ni Loyola.

May mga lumalabas na ulat na siya ay nagtatago ngayon sa Zamboanga.

Si Loyola ay nawawala makaraang kinulimbat nito ang abot sa P6 na milyong sahod ng higit sa dalawang libung Job Orders at mga honoraria ng daan-daang mga barangay tanods.

Batay sa ulat ng Commission on Audit (CoA) na tuklasan na si Loyola ay hindi nakapag- liquidate ng P75 million cash advances bagay na malaking dahilan para ipatanggal sa pwesto si Loyola.

Bukod dito, nahaharap din ang kawani sa kasong graft at corruption na isang criminal case, ayon sa report. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento