Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, patay sa pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ April 29, 2014) ---Binawian ng buhay ang isang lalaki makaraang tadtarin ng bala ng di pa kilalang mga suspek sa Kidapawan City alas 2:00 ng madaling araw kamakalawa.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Alias Kolot Cabiles residente rin ng lungsod.


Ayon sa report, sumiklab ang krimen sa bahagi ng Quezon Boulevard ng nasabing siyudad habang naglalakad ang biktima matapos na pagbabarilin ito ng dalawang lalaki lulan ng isang motorsiklo gamit ang kalibre .45 na pistol.

Nagtamo ng siyam na tama ng bala ang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan naman ng kanyang agarang kamatayan.

Matapos ang insedente ay agad namang tumakas ang mga suspek at ngayon ay patuloy ng pinaghahanap ng mga otoridad habang patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento