Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Panadero, biktima ng agaw motorsiklo sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 28, 2014) ---Tinangay ng di pa nakilalang suspek ang motorsiklo ng dalawang mga panadero sa Poblacion ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang dalawang mga biktima na sina Chito Ilan, 24 residente ng brgy. Tibao, Mlang at Jerry Rivera, nasa tamang edad at residente ng Kidama bayan ng Matalam.


Batay sa report, hinarangan umano ang dalawa sa hangganan ng brgy. Kidama at Poblacion  ng Matalam habang sakay sa Motorstar 110 motorcycle nito.

Nang huminto ang mga biktima, tinutukan ng baril ang mga ito at pwersahang kinuha ng suspek ang cellphone at cash na nagkakahalaga ng P1,500 ni Rivera.

Maliban dito, tinangay pa ng suspek ang nasabing motorsiklo na may plakang 8353 SE.

Mabilis na tumakas ang suspek tangay ang motorsiklo, pera at cell phone ng biktima sa di malamang direksiyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento