Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panibagong IED sumabog sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Muli na namang ginulantang ng malakas ng pagsabog angbayan ng Midsayap, North Cotabato ala 1:00 ng hapon kamakalawa.
Sa report ng Midsayap PNP isang Improvised Explosive Device o IED na gawa sa 60mm mortar cartridge ang pinasabog sa Sitio Bintad, Barangay Baliki ng nasabing bayan.

Wala namang tinamaan sa nasabing pagsabog dahil wala namang bahay sa paligid ng blast site.

Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung sino ang responsible sa nasabing pagpapasabog.

Maliban dito, Isang ring malakas na uri ng improvised explosive device (IED) ang natagpuan ng militar at pulisya sa lungsod ng Cotabato dakong alas-10:25 kamakalawa.

Sa report ni Cotabato City police director S/Supt Rolen Balquen, tumanggap sila ng text mula sa mga sibilyan na may natagpuan na bomba sa Dumpsite, Malagapas, Barangay Rosary Heights 10 sa Cotabato City.

Agad kinuha ng EOD Team ang IED na nilagay sa sako na gawa sa dalawang bala ng 60mm mortar.

Mahigpit ang seguridad na ipinapatupad ng mga otoridad sa lugar bagay na itinapon na lamang umano ng mga suspek ang nasabing pampasabog. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento