Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

70-anyos na Lolo, patay sa pamamaril sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Patay ang isang 70-anyos na lolo makaraang pagbabarilin ng 23-anyos na lalaki sa Purok Marang, Saguing, Makilala, North Cotabato, kahapon.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Manuel Gamao habang kinilala naman ang suspek na si Gerry Pequit.

Ayon sa report, pinagbabaril ng suspek na si Pequit si Gamao gamit ang isang airgun.

Nagtamo si Gamao ng maraming tama ng bala ng airgun sa ulo at katawan nito.

Naisugod pa ito sa ospital pero binawian rin ng buhay kahapon.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad upang mahanap at mahuli ang suspek. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento