Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mag-amang Rubber tapper, itinumba!

(M’lang, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Bulagta ang mag-ama makaraang pagbabarilin ng dalawang suspek sa Purok 3, Barangay Gaunan, M’lang, North Cotabato 9:45 ng umaga.

Kinilala ni P/Ins. Rolando Dillera, hepe ng M’lang PNP ang mga biktima na sina Felix Mudalo,57, at ang anak nito na si Kenneth Mudalo,14 kapwa residente ng San Vicente, Makilala, North Cotabato. 
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na kumatok pa raw ang dalawang suspek sa pamamahay ng mga biktima para magsumbong na may nagnakaw ng rubber seedlings sa rubber plantation na binabantayan ng mag-ama.

Paglabas ng mag-ama, walang abu-abong pinagbabaril ang mga ito.

Nagulat na lamang ang asawa ng biktima nang makarinig ng mga putok ng baril at natagpuang wala ng buhay ang mga mag-ama sampung metro mula sa kanilang tinutuluyang bahay.

Nagtamo ng maraming tama ng caliber 45 pistol ang mga biktima at ginamit rin ng mga suspek ang M-16 riffle na pagmamay-ari ni Felix sa pamamaril.

Kasalukuyan ng inimbestigahan ng mga otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek sa pagpatay. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento