Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ex-SK Official, arestado matapos masangkot sa malaking sindikato sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Kalabuso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang dating Sangguniang Kabataan Chairman matapos na maaresto sa may bahagi ng brgy. San Vicente, Makilala, North Cotabato nitong umaga ng Miyerkules.

Kinilala ni PSI Joyce Birrey, hepe ng Makilala PNP ang suspek na si Bertzon de Vera Daquioag, 21, at residente ng Barangay Dagupan ng nabanggit na bayan.
Naharang ang suspek sa Purok Talisay sa tulong ng mga barangay opisyal matapos na magsumbong ang biktimang si Jirej Samonte na tubong Kidapawan City na tinutukan siya ng baril bago tinangay ang minamanehong Honda Motorcycle 125 nito.

Nilimas din ng suspek mula sa biktima ang P3,000 cash na collection nito.

Matapos na maaresto ng mga otoridad, dito nabatid ang pagkakakilanlan ng suspek na dating SK chairman sa Barangay Dagupan mula 2007-2010.

Inihahanda na ng mga pulisya ang kasong kakaharapin ng suspek habang inaalam kung sangkot pa ito sa ilang malalaking sindikato na responsible sa mga nakawan ng motorsiklo sa lugar. (Rhoderick Beñez)








0 comments:

Mag-post ng isang Komento