Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Taxi na kinarnap sa Davao, narekober sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ July 22, 2013) ---Narekober ng Kidapawan City PNP ang kinarnap na taxi sa Davao city sa bahagi ng Sitio Pagagao, Patadon, Kidapawan City noong Sabado ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kidapawan City PNP nakatanggap umano sila ng intel report buhat sa Davao city na may kinarnap na Hyundai Midvalley taxi na kulay puti na may plate number LXA 904 na dinala sa bahagi ng North Cotabato.

Nang magsagawa ng intel monitoring ang mga elemento ng Kidapawan City PNP sa nasabing lugar dahil sa report na harassment ng diumano’y grupo ng MILF at MNLF sa bahagi ng Brgy. Patadon ay namataan ng mga pulisya ang inabandonang sasakyan.

Agad na kinordon ang lugar at siniyasat ng EOD Team at ng Cotabato Police Provincial Office ang nasabing sasakyan.

Sa inisyal na report, nabatid na carnap ang nasabing taxi.

Sa ngayon agad na inilagay sa himpilan ng Kidapawan City PNP ang nasabing sasakyan para sa tamang disposasyon. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento