Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, 1 sugatan sa pananaksak sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 27, 2013) ---Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang magsasaka habang pinagtataga naman sa ulo ang isang 23-anyos na kasama nito sa Sitio Baroyon, Brgy. Macabenban, Carmen, North Cotabato alas 7:00 kagabi.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na binawian ng buhay na si Johnny Pinda Andagoy, 26, may ka-live-in habang kinilala naman ang biktimang sugatan sa pananaga na si Jimwel Mandapig Mandakayan, 23, residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na report nag-iinuman umano ang biktima kasama ang suspek na si Lody Acosta, 23, magsasaka, residente ng nabanggit na lugar kahapon ng tanghali habang ipinagdiriwang nila ang kaarawan ng anak ng suspek.

Pero nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo at nauwi sa pananaksak kay Andagoy na naging dahilan ng agara nitong kamatayan habang sugatan naman si Mandakayan at ang isa pa nitong kasama na si Barnezo.

Matapos ang insedente boluntaryo namang sumuko ang suspek aky Brgy. kapitan Wennie Mansabpar.

Narekober sa crime scene ang bolo na ginamit sa nasabing pananaga.

Kulungan naman ngayon ang bagsak ng nasabing suspek habang inihahanda na ang karampatang kasong isasampa laban sa kanya.


Personal grudge ang nakikitang dahilan ng nasabing insedente. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento