Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

23-anyos na driver, patay sa Pamamaril sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 26, 2013) ---Dead on Arrival sa ospital ang isang 23-anyos na driver makaraang pagbabarilin sa Corner Sampaguita Avenue at Dao St., Poblacion, Carmen, North Cotabato kahapon ng tanghali.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Roland Ajan, binata at residente ng brgy General Luna ng nabanggit na bayan.

Batay sa inisyal na pagsissiyasat, banabaybay umano ng biktima ang daang Sampaguita at pagdating sa nabanggit na lugar ay ipinarada nito ang kanyang minamanehong tricycle.

Bigla na lamang umanong nilapitan ng suspek ang biktima at wala abu-abong pinagbabaril ng tatlong beses gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Matapos ang insedente ay mabilis na tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.

Kinilala ng mga naka-saksi sa nasabing insedente ang suspek na si Boting-ting Librando, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Ugalingan.

Agad na isinugod ang biktima sa Kabacan Medical Specialist Hospital dito sa bayan ng Kabacan, pero ideneklarang dead on Arrival ng mga attending physician.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib, isa sa kaliwang kamay at isa din sa balakang.

Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng Carmen PNP para sa posibleng ikadarakip ng suspek.

Personal grudge ngayon ang isa sa mga motibong tinitingnang anggulo ng   mga otoridad sa nasabing pamamaril habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento