Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Habal-habal driver, patay sa pananaksak sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 22, 2013) ---Patay ang isang 25-anyos na habal-habal drayber makaraang pagsasaksakin ng dalawang di pa nakilalang mga salarin sa Brgy. Langogan, Carmen, North Cotabato 10:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Datukon Usman, may asawa at residente ng Brgy. Nasapian ng nasabing bayan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan lumalabas na habang nag-aabang umano ng pasahero ang biktima, bigla lamang itong nilapitan ng dalawa katao at kinontrata na ihatid ang dalawa mula Poblacion papuntang Langogan.

Habang tinatahak nila ang kalsada papunta sa nasabing lugar at pagdating sa crossing ng Pebpoloan at Langogan ay pinagsasaksak umano si Usman ng dalawang mga angkas na pasahero nito.

Nagawa pang makatakas ng biktima pero, 40 metro lamang ang layo mula sa pinangyarihan ng crime scene ay namatay ang biktima.

Nagtamo ng limang saksak sa leeg at kaliwang braso ang biktima na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Naniniwala ang Carmen PNP na carnapping o agaw motorsiklo ang motibo ng mga suspek makaraang tinangay ng mga ito ang sasakyan ng biktima at tumakas papalayo sa di malamang direksiyon.

Sa ngayon ay na-turn-over na ng kapulisan ang bangkay ng biktima sa pamilya nito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento