Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) 1 patay, 1 pa sugatan sa bakbakan ng Army at NPA sa North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/March 30, 2012) ---Patay ang isa katao habang sugatan ang isa pa makaraang magka-engkwentro ang tropa ng gubyerno at mga rebeldeng komunista sa Sitio Bantaan, Barangay Bagumbayan, Magpet, North Cotabato, kahapon.


Batay sa report abot na sa 30 mga pamilya ang nagsilikas matapos na maipit sa nasabing bakbakan.

Nabatid na isang miyembro ng New Peoples’ Army (NPA) ang patay sa naturang enkwentro na agd namang binitbit ng mga NPA ang kasama nila’ng namatay.


Sa panig ng pamahalaang sugatan din ang isang elemento ng Alpha Company ng 57th IB na kinilalang si Pfc. Jayford Albania, ayon sa report.
         
Nagpapatrolya umano ang mga sundalo, sa pangunguna ni 2nd Lt. Manumbale ng 57th IB, nang maka-enkwentro ang grupo ng mga rebelde na pinamumunuan ng isang Totoy Dako ng Front 53 ng NPA Southern Mindanao Regional Operations Command.

Sa ngayon tensyunado  pa rin ang lugar dahilan kung bakit agad namang nagpadala ng reinforcement o dagdag na tropa ang 57th IB, kasama ng 40th IB, sa lugar para mapanatili ang kaayusan at seguridad sa barangay, ayon kay Lt. Manuel Gatus ng Civil Military Operations ng 57th IB. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento