Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa patay, isa pa sugatan sugatan matapos masaksak sa loob ng videoke house sa Kidapawan City

(Kidapawan City/March 29, 2012) ---Hindi na umabot ng kuaresma ang isang customer ng videoke bar sa Kidapawan City, habang sugatan ang isa pa, nang saksakin ng ‘di kilalang mga lalaki, bandang alas-6 kamakalawa ng gabi.

         
Kinilala ang napatay na si Eulogio Inutan Monsalaud, 19, habang sugatan ang 29-taong gulang na si Rodel Calambroso Butil, kapwa mga residente ng Barangay Sikitan, Kidapawan City.
         
Ayon sa report ni Sr. Insp. Sunny Leoncito, hepe ng anti-vice and investigation division ng Kidapawan City PNP, namatay si Monsalaud habang ginagamot sa Kidapawan Doctors Hospital sa lungsod, habang nananatili sa naturang ospital si Butil.

         
Ayon kay Leoncito, kalalabas lang ng Monrose Videoke Bar ang mga biktima nang abangan ng mga suspect sa isang bahagi ng Osmena Drive ng lungsod.
         
Walang kaabug-abog na sila’y binugbog at sinaksak.
         
Duda ang mga pulis na nagtalo na ang mga biktima at mga suspect habang nasa loob ng videoke bar.

Sa ngayon subject for manhunt ng mga pulisya ang mga suspetsado
         
                        

0 comments:

Mag-post ng isang Komento