Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dagdag na automated teller machines ng Land Bank hiniling na itayo sa bayan ng Kabacan, N Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/March 28, 2012) ---Hiniling ng Municipal Peace and Order Council o MPOC ang paglalagay ng dagdag na automated teller machines ng Land Bank sa Kabacan, North Cotabato.

         
Ito ay para maiwasan ang mahabang pila kapag panahon ng release ng cash grants sa libu-libong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa naturang bayan.
         
Sa ngayon, abot sa limang libo ang mga grantee ng 4Ps sa Kabacan.
         
Ang ilang mga benepisyaryo ng 4Ps na mula sa mga bayan ng Pikit at Carmen ay sa bayan ng Kabacan pa nagpupunta para lang kunin ang kanilang cash grants.

         
Ang Pikit ay may mahigit 10 libo na grantee ng 4Ps, samantalang mahigit 5 libo ang mula sa Carmen.
         
Hindi pa maliwaw kung may sagot o tugon na ang Land Bank sa kahilingan ng MPOC.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento