Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panibagong engkwentro ng NPA at militar sa North Cotabato nagresulta sa pagkakasugat ng 1 Sundalo

(Magpet, North Cotabato/March 29, 2012) ---Nagpapatuloy ngayon ang palitan ng putok sa pagitan ng militar at mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa lalawigan ng Cotabato .


Ayon kay 6th Infantry Division Public Affairs Chief Colonel Prudencio Asto, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng 57th Infantry Battalion Philippine Army sa Sitio Bantaan Barangay Bagumbayan Magpet, North Cotabato, nang makasagupa nito ang tinatayang 30 NPA na pawang armado ng matataas na uri ng armas.

May ilang sibilyan na rin aniya ang nagsilikas dahil sa takot na maipit sa nagpapatuloy na sagupaan.
Isang sundalo ang kumpirmadong nasugatan habang inaalam pa sa panig ng mga rebelde. 

Ipinag-utos na rin ni 6th ID Chief, M/Gen. Rey Ardo ang pagpapadala ng reinforcement ng militar sa naturang bayan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento