Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Motorista sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Tulunan, North Cotabato

By: Christine Limos

(Tulunan, North Cotabato/ May 11, 2015) ---Sugatan ang isang motorista sa nagyaring karambola ng 3 sasakyan sa crossing ng La Esperanza, Tulunan, North Cotabato noong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ni PI Rolando Dillera hepe ng Tulunan PNP ang sugatan na si Edjean Pagayon, 20 anyos at residente ng Poblacion Tulunan, North Cotabato. Nagtamo ng sugat sa kanang kamay at kaliwang paa si Pagayon.

Sa imbestigasyon ng Tulunan PNP, kinasasangkutan ng 3 sasakyan ang aksidente, vehicle 1 galing Mlang na isang Skygo single na motorsiklo na minamaneho ni Pagayon, vehicle 2 galing Tulunan na isang Hyundai Accent na minamaneho ni Elmar Pabeña, residente ng Bual, Tulunan, at vehicle 3 mula Tulunan na Isuzu elf na pagmamay ari ni Edgardo Galero, 47 anyos residente ng Purok Pagkakaisa, Labangal, General Santos City at minamaneho ni Isagani Arroyo, 37 anyos at residente ng General Santos City.


Nagpaalala rin si PI Dillera sa mga motorista na mag ingat sa pagmamaneho.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento