Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 sundalo sugatan sa ambush sa Maguindanao

By: Christine Limos

(Maguindanao/ May 11, 2015) ---Sugatan ang dalawang kasapi ng 40th Infantry Battalion sa nangyaring pananambang sa Barangay Timbanagan, Shariff Aguak, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ni Lt. Col. Joel Q. Mamon Commanding Officer ng 40 IB ang mga sugatan na sina Pfc. Pelomino Albero na nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng katawan at si Pvt. Danilo V. Lomoljo na nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng katawan at nagkaroon ng pinsala sa buto.


Sa ulat na nakuha ng DXVL news, habang bumabiyahe mula Mamasapano papuntang Shariff Aguak ang elemento ng 40 IB lulan ng M35 truck ay biglang sumabog ang IED sa gilid ng daan na sinundan ng pagpapaulan ng bala ng di mabilang na mga armadong kalalakihan.

Agad namang nakaganti ang mga sundalo at nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal ng limang minuto bago tumakas ang mga armado sa timog na direksyon ng lugar.


Mabilis na isinugod sa pagamutan sa Camp Siongco ang mga sugatang sundalo kung saan nilalapatan ng lunas.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento