Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cafgu panibagong biktima ng strafing incident sa Pikit, Cotabato

By: Christine Limos

(Pikit, North Cotabato/ May 11, 2015) ---Pinagbabaril ang isang cafgu sa panibagong strafing incident sa Sitio New Valencia, Barangay Buluan, Pikit, Cotabato alas 8:00 ng umaga nitong Biyernes.

Kinilala ni Lt. Col. Orlando Edralin Commanding Officer ng 7th Infantry Battalion ang kasapi ng cafgu na si Rodolfo N. Malaguia at residente ng naturang lugar.


Sa ulat na nakalap ng DXVL news, habang nasa sakahan pinaulanan umano ng bala ng apat na di nakilalang armado ang biktima gamit ang M14 garand at M16 na baril.

Agad namang nakaganti  ng putok si Malaguia gamit ang kanyang shotgun kung kaya’t umatras ang mga armado patungo sa hilagang kanlurang direksyon ng lugar.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento